GMA Logo joy barcoma on unang hirit
Source: Joy Barcoma (FB)
What's Hot

Joy Barcoma, ibinahagi ang sikreto sa matatag na relasyon

By Mark Joseph F. Carreon
Published September 11, 2026 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ombudsman Remulla on Pia, Alan Cayetano's PH exit: They probably needed a break
Francis Libiran unveils the Malaya barong for Asian Games 2026
Pinoy Marino Rights

Article Inside Page


Showbiz News

joy barcoma on unang hirit


Payo ni Joy Barcoma tungkol sa pag-ibig: "Pinakaimportante is trust."

Marami ang natuwa at inabangan ang interview ng “Pambansang Jusa” at Unang Hirit host na si Joy Barcoma sa naturang Kapuso morning show sa episode nito noong Biyernes, Setyembre 11.

Bago sumalang sa interview ay nakatutuwang rumampa si Joy sa red carpet mula sa entrance ng GMA Network Center patungo sa studio ng naturang programa, na tila paggaya sa entrance ni GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes noong bumisita ito sa programa noong nakaraang episode para kausapin ang host na si Baus Rufo.

Pagkapasok sa studio ay agad siyang sinalubong ng hosts na sina Shaira Diaz at Suzi Abrera, kasama ang Barangay Love Stories host na si Papa Dudut na nag-guest sa programa.

Pinuri ng hosts ang entrance ni Joy at may pabiro naman itong hirit: “Maraming salamat po! Ma'am Annette, ako po, Ma'am Aning lang po ako.”

Agad ding tinanong ang beauty queen-host tungkol sa kaniyang kasabihan pagdating sa pag-ibig, na kaniyang ibinahagi nang puno ng aliw at kuwela.

“Marami po tayong kasabihan tungkol sa pag-ibig, pero ako po ay naniniwala na ang pagmamahal ay para lamang sa isa, kasi kung dalawa 'yan, hindi po 'yan relationship, networking 'yan!” pabirong sabi ni Joy.

Ibinahagi pa ni Joy, matapos tanungin kung suwerte ba siya sa pag-ibig, na pakiramdam niya ay napakaswerte niya dahil nasa isang matagal nang relasyon kasama ang boyfriend na si Cong.

“Naniniwala po ako sa suwerte at tinamaan na ako ng suwerte. Eight years na po kami ng aking minamahal,” buong pagmamalaking sagot ni Joy.

Binanggit din niya ang sikreto nilang dalawa ni Cong upang mapanatiling matatag ang relasyon: ang pagtitiwala sa isa't isa.

“Pinakaimportante for us is trust. Tiwala talaga sa isa't isa kasi kung walang tiwala, wala nang pundasyon 'yung relasyon,” pahayag ni Joy.

Binigyang-diin pa niya na silang dalawa ay may buong suporta sa lahat ng tinatahak ng bawat isa.

“Very supportive naman siya sa ginagawa ko, as well as me; very supportive din sa kanya,” ani ng beauty queen.

“Yung gitna ng pagiging supportive na yun is yung tiwala namin sa isa't isa, so I think that's the most important part, and also respect and love,” dagdag pa niya.

Nang tanungin si Joy sa isa sa mga kontrobersiyal na usapin sa pag-ibig—kung ano ang pipiliin sa pagitan ng pag-ibig o career—pabiro uli itong sumagot.

“Para po sa akin mas mahalaga po ang love… love for career,” nakakatuwang hirit niya.

Pagpapatuloy pa ni Joy: “Nakakaintindi naman po ang aking partner, lalo po sa panahon ngayon sinasabi na 'Mahal ang magmahal.'”

Kasunod nito, sinamantala ng beauty queen-host ang pagkakataon na makahingi ng payo mula sa sikat na podcaster at radio host na si Papa Dudut, na kilala sa kaniyang mga payo sa pag-ibig.

Itinanong ni Joy kung ano ang dapat gawin ng mga matatagal nang magkakarelasyon na dumaraan sa “3, 5, 7 itch” o ang mga sinasabing crucial na mga taon sa isang relasyon.

Sumagot naman ang radio host at sinabing ang pagpapanatili ng patuloy na komunikasyon, oras, at pagiging matapat sa isa't isa ang susi upang malampasan at mapagtagumpayan ang anumang pagsubok sa relasyon.

Patuloy na subaybayan si Joy Barcoma sa kaniyang paghahatid ng saya tuwing umaga sa Unang Hirit.

Related Gallery: Meet the viral 'jusa' Joy Barcoma