
Tagumpay si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma na maisagawa ang kaniyang farewell walk, hindi sa coronation night kung 'di sa naganap na Love L4ban festival nitong Sabado, June 27.
Sinorpresa ni Joy ang LGBTQIA+ community na dumalo sa naturang pride festival nang lumabas siya sa entablado, suot ang white gown at rainbow sash, at inikot ang stage bago siya sinalubong ng mga host na sina Kaladkaren, Justine Pena, at Migs Almendras.
“Hello, mga bakla! Hello po sa inyong lahat, happy Love L4ban 2026!” bati ni Joy sa mga dumalo.
Pagpapatuloy niya, “I'm so happy to be here. Maraming-maraming salamat po sa mainit na pagtanggap, maraming-maraming salamat po sa pagmamahal, at siyempre, nandito po tayong lahat para ipaglaban ang ating karapatan! Mabuhay ang LGBTQIA+ community!”
Kinumusta naman nina Kaladkaren at Migs ang nararamdaman ni Joy na pinagbigyan ang kaniyang final walk sa naturang event.
Sabi ni Joy, “Siyempre gusto ko pong magpasalamat kasi I've been waiting for this moment, and hindi ko in-expect na I would do it here, pero maraming salamat because I would always like to do it with people who supported me and that loved me, and that welcomed me.”
Video courtesy of Pageantry Fanatics (FB)
Noong Sabado rin kinumpirma ni Joy na hindi siya magkakaroon ng final walk. Sa kaniyang post, ipinahayag ng beauty queen ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng naniwala, sumuporta, at nagmahal sa kaniya sa simula ng kaniyang journey bilang Miss Philippines Earth.
KILALANIN ANG ILANG AWARD-WINNING CELEBRITIES NA PARTE NG LGBTQIA+ COMMUNITY SA GALLERY NA ITO: