
Kinumpirma ng kasalukuyang Miss Philippines Earth Joy Barcoma sa isang statement sa social media na hindi siya magkakaroon ng final walk.
Isinulat niya sa isang post sa kanyang official Facebook account na she will “forever and always” be an Earth queen. Ibinahagi din niya na pinipili niya ang pasasalamat ngayong patapos na ang kanyang panahon bilang Miss Philippines Earth.
Ibinahagi rin ni Joy na proud siya dahil ginawa niyang makabuluhan ang kanyang panahon bilang Miss Philippines Earth. Makabuluhan din ang kanyang komento na “support doesn't always come from every corner, even within the spaces you represent.”
Nagpasalamat din si Joy sa Miss Philippines Earth organization at nanawagan sa kanyang followers at supporters na ipagpatuloy ang pagsuporta sa Miss Philippines Earth dahil ang misyon nito ay “greater than ourselves.” Nanawagan din siya ng suporta para sa queen na susunod sa kanya.
Basahin ang kanyang buong statement sa ibaba.
Nag-post din si Joy sa X upang magbiro tungkol sa sitwasyon.
What can't she do?
— Joy Barcoma (@joymayanne) June 27, 2026
Mag-farewell walk 😆😭🥹
Magaganap ang Miss Philippines Earth coronation ngayong gabi sa Malitbog Cultural Center sa Malitbog, Bukidnon.
Samantala, ilang beses na nag-viral si Joy online dahil sa bilis ng kanyang utak, at naging guest din sa popular podcast na Dogshow Divas. Napanood din siya sa ilang Kapuso shows tulad ng Bubble Gang at Your Honor, pati na sa Unang Hirit kung saan kasama niya si Baus Rufo.
Related gallery: Meet the viral 'jusa' Joy Barcoma