
I-ready ang panga, mga Honorables dahil matinding tawanan at makabuluhang chikahan ang mangyayari sa session ng Your Honor ngayong Sabado ng gabi!
Para sa opening salvo sa Buwan ng Mayo ng House of Honorables, ipapatawag sa session nina Chariz Solomon at Buboy Villar na tinawag 'In Aid of Clapbacks: Patola ang Jusa Niyo!,' ang tinaguriang viral beauty queen sa social media na si Joy Barcoma.
Paano dedepensahan ng 'Pambangsang Jusa' ang sarili niya sa Your Honor tungkol sa pagiging patola? Alamin yan, mga Ka-YouLOL!
Sulit ang pahinga ngayong weekend kapag tumutok sa session ng 'Your Honor,' ngayong May 2, pagkatapos ng 'Pepito Manaloto' sa YouLOL YouTube channel.