
May panawagan si The People Have Spoken celebri-peep Joy Barcoma kaugnay sa kasalukuyang pagbaha sa Pilipinas.
Nitong Miyerkules (August 12), bumisita ang beauty queen-advocate sa clean-up drive sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.
Kasama si Baus Rufo para sa Unang Hirit, namahagi ng munting sorpresa ang duo sa mga tao habang ipinakita ang kasalukuyang lagay ng mga daan matapos ang pagbaha.
"Bakas pa rin po ang pinsala na dulot po ng habagat. Pero kung makikita n'yo, pare-parehas pa rin po ang problema ng mga residente at maging ng ibang lugar na binaha," ani Joy sa isang video sa kanyang social media.
READ: Joy Barcoma urges Pinoys to make better choices in 2028 amid widespread flooding
Maya-maya pa, itinuro ng "pambansang jusa" ang mga basurang naiwan at nakakalat sa lugar dahil sa hindi wastong pagtatapon ng mga ito.
"Panawagan po ito, hindi lang po sa mga barangay [at] gobyerno, kundi maging sa lahat ng tao na maging mas responsable po tayo sa mga tinatapon nating basura. Dahil kung ano'ng tinapon mong basura ngayon, 'yun ang babalik sa'yo sa susunod na panahon," dagdag niya.
Noong Lunes (August 10), ipinakita rin ng UH host mate ang kondisyon ng isang evacuation center sa Cavite.
“Supposedly po ay dapat ligtas na lugar po para sa atin mga kababayan. Pero kung makikita n'yo kahit evacuation center ho natin ay binabaha.” aniya.
"So sana ho ayusin na ho natin ang mga desisyon natin sa 2028 para hindi na po nakakaranas ng ganitong klaseng inconvenience 'yung mga kababayan ho natin na nakakaranas po ng pagbaha at siyempre pangangailangan lumikas sa panahon po ng habagat o ng bagyo at tuloy-tuloy na pag-ulan.”
Maliban sa Unang Hirit, kilala rin sina Joy at Baus sa kanilang candid yet funny opinions bilang celebri-peeps sa original game show na The People Have Spoken. Mapapanood ito tuwing Sabado, 6:15 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, mas kilalanin ang Miss Earth Philippines 2025 at pambansang jusa Joy Barcoma, dito: