
Inilahad ni Joy Barcoma ang pagkakaroon ng maagang responsibilidad bilang ate at main provider ng kanilang pamilya.
Ikinuwento ito ng beauty queen at host sa kaniyang guesting sa The Bare It All Podcast ni Dani Barretto.
Ayon kay Joy, "Hindi ako maalaga sa sarili ko. I'm very irresponsible when it comes to myself. I'm very responsible when it comes to my family, to my work, kasi I take pride in that. I take pride in taking care of other people. Pero pagdating sa sarili ko, sobrang irresponsable ko talaga."
Inamin din ni Joy na naramdaman niya ang pagiging main provider noong siya ay nag-aaral ng kaniyang college degree. Si Joy ay nakapagtapos ng broadcast communication sa Polytechnic University of the Philippines noong 2018.
"I felt na ako na 'yung main provider nung college na ako kasi parang lahat na ng gastos, ako na. Aral ng kapatid, kuryente sa bahay, bayad sa internet, pamasahe ko sa school. Parang, 'wow mama, wait lang naman, wow,' ganon. So parang doon ko na na-feel na, 'ah, ako na,' ganyan."
Dugtong pa ni Joy, "So 'yun 'yung parang moment na na-realize ko na, 'ah, kailangan ko nang seryosohin 'to and there's no turning back.' There's no room for failures from here on kasi alam ko na kapag nag-fail ako, magfe-fail din 'yung family ko. Magfe-fail din 'yung dreams ng mga kapatid ko, so I can't let that happen to them."
Hindi naman itinanggi ni Joy na nakaramdam din siya ng sama ng loob.
"Nagkaroon ako ng realizations na 'yung mga natutunan ko sa buhay, I had to learn it firsthand. I wasn't guided when I was growing up. So parang 'yung mga ginagawa ko, 'yung mga heartbreaks, 'yung mga failures, 'yung mga disappointments ko, hinandle ko siya on my own. Unlike with other families na may magulang kang tatakbuhan, may magulang na mag-a-advise sa'yo na kapag ganito 'yung nangyari, ganito 'yung gagawin mo."
Noong itinanong ni Dani kung ano ang salitang makakapag-describe ng childhood ni Joy, agad niyang isinagot na "robbed."
Paliwanag niya, "I was robbed of my childhood. Kaya ngayon, 'yung mga kapatid ko kasi, when I got the money, when I got so much job, and I was able to provide not just for myself but for my family, and nagkaroon ako ng extra to send my siblings to a good school. Pinilit ko talaga sila. Ililipat ko kayo ng bahay. Papadala ko kayo sa magandang school. Pa-private school ko kayo lahat. Tapos sabi ko, kung may gusto kayong mga side quest sa buhay, mag-volleyball kayo, mag-sports kayo, gawin niyo. I-enroll ko kayo sa summer class. Gawin niyo. Kasi parang hindi ko siya na-enjoy nung bata ako. Hindi ko siya nagawa noong bata ako… So parang ako, oo nga, na-realize ko na wala akong hobby kasi nga noong bata ako, hindi ko naman na-enjoy yung paglalaro nung bata ako. I learned responsibility way before freedom."
Pagdating naman sa pag-set ng boundaries, mayroon daw natutunan si Joy.
"Dati kasi basta manghingi, go bigay, go bigay. Tapos parang na-learn ko rin na parang hindi puwede kasi 'pag naubos ako, sabay-sabay tayong mauubos. So parang I learned how to set boundaries na, 'okay, ito ibibigay ko sa'yo for the month, ito ang budget mo for the month, ito ang budget ng bahay. 'Yung mga kapatid ko, huwag niyong problemahin, ako magpapaaral sa kanilang lahat. Pero that's just it, tapos na tayo doon.'"
RELATED GALLERY: The stunning looks of 'jusa' Joy Barcoma