
Umpisa pa lang ng taon, umaapaw na ang kilig ni Joyce Pring dahil sa sorpresa ni Juancho Trivino.
Ayon kay Joyce, hindi niya inaasahan ang pagdating ni Juancho sa set ng Unang Hirit kaninang umaga, January 4.
Nitong madaling araw lang kasi nakatakdang bumalik ang Kapuso actor mula sa kaniyang bakasyon sa Hong Kong.
“Nag umpisa ang araw ko with the mindset na hindi ko makikita si Juancho today.
“Ilang araw ko na din sya hindi nakakasama because he spent New Year's in Hong Kong with his family,” paunang kuwento ni Joyce.
Patuloy niya, “Ka-text ko pa sya kaninang umaga pagka land nya ng mga 230am sa Manila, sabi nya direcho daw sya taping kasi may for airing sila na episodes 🙄 5AM calltime nya madaming sequences kita nalang daw kami next week pero biglang pumasok habang live ako on Unang Hirit!!!
“At lahat ka kunchaba!!! Pati ang prod team, camera man, RM ko etc. Kaya naman pala andaming extra na cameras today...may ido-document sila.”
Is there a brewing romance between UH hosts Joyce Pring and Juancho Trivino?
Sa huli, sinabi ng 25-year-old TV host na sobra siyang kinilig sa ginawa ni Juancho, na may regalo pang bouquet of red roses.
“Ano ba naman yun. Sa mata ng maraming tao, cool ako (feeling ko lang).
“Pero today nalaman na ng buong Pilipinas na hindi talaga ako cool (hindi naman talaga) at oo, kinilig ako ng todo. 🙄🙈❤️
“What a way to spend the first Friday of 2019.
“Happy New Year to you too, @juanchotrivino. 🎣 #juanchoyce”