
Usap-usapan ngayon ang 23-year-old singer na si Juan Karlos o JK Labajo.
Habang nasa Paniqui Music Fest 2024 sa Tarlac, hindi napigilan ni JK na mag-alala para sa isang two-month-old baby.
Labis na ikinabahala ng singer nang mapansin niya ang isang sanggol na umiiyak habang siya ay nagpe-perform sa stage.
Nag-alala siya sa posibleng maging epekto ng malakas na tunog at ingay sa lugar, bukod pa sa mga salitang hindi angkop sa mga bata sa kanta niyang “Ere.”
Dahil dito, pansamantala siyang huminto sa pagkanta upang magpaabot ng paalala sa mga magulang ng sanggol pati na rin sa iba pang nasa concert.
Sabi ni JK, “Two months? Bakit mo pinaparinig ng Ere ng 'yung bata. Two months pa lang, maaga, 'wag.”
“Wala bang earmuffs si baby?” tanong ni JK sa mga magulang ng two-month-old na baby.
Paalala at paliwanag niya, “So 'yung mga bata, especially mga one-year-old and below, super sensitive pa 'yung mga tenga nila.”
Kasunod nito, naghanap si JK ng headphones na 'di nakabukas upang ito muna ang ilagay sa tenga ng sanggol.
Nagpaabot ng pasasalamat ang singer sa mga sumusuporta sa kanya, ngunit nakiusap siyang unahin ang kapakanan ng mga bata.
Pahayag niya, “Maraming Salamat sa suporta, pero please, alagaan n'yo si baby.”
Samantala, bukod sa pag-arte at sa sikat na kanta niyang “Ere,” nakilala rin si JK sa kantang “Buwan.”
Related gallery: Singing competition alumni, where are they now?