
Magtatambal ang Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin sa weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Bibigyang-buhay nila ang isang kuwento ng "catfishing" o paggamit ng litrato ng ibang tao online para makapanloko.
Si Arra ay si Marby, isang teacher na tatanggi sa job offer sa ibang bansa dahil sa long distance relationship niya kay Kyle, karakter naman ni Juancho.
Malalaman na lang ni Marby na hindi pala ang totong Kyle ang kausap niya online. Pero sa pambihirang pagkakataon, makikilala niya ang tunay na Kyle nang makuha siyang tutor ng anak nito.
Ito na ba ang pagkakataon ni Marby na mahanap ang taong para sa kanya?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Huwag palampasin ang "I Remember You," November 1, 1:40 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.