GMA Logo Juancho Trivino and Eliam
Source: juanchotrivino/IG
Celebrity Life

Juancho Trivino on fatherhood: 'Best feeling in the world'

By Kristian Eric Javier
Published March 15, 2023 10:39 AM PHT
Updated March 15, 2023 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Juancho Trivino and Eliam


Ibinahagi ni Juancho Trivino na "ang saya sa feeling" kapag umuuwi sa anak niyang si Eliam.

Mahigit isang taon na ang anak ni Kapuso actor Juancho Trivino na si Eliam at naghahanda na rin sila ng asawang si Joyce Pring para sa second baby nila pero hindi pa rin mapigilan ng aktor ang nararamdamang saya tuwing umuuwi siya sa mga ito.

Sa isang post sa Instagram, kinuwento ni Juancho kung paanong hindi maiiwasang makatanggap ng tanong ang mga tatay kung kumusta ang bago nilang role.

“Kahit na hindi ko maintindihan yung 'lagi kang excited umuwi'” at 'nakaka wala ng pagod,' ibang iba na ngayon, yan na din ang sinasabi ko,” sulat ni Juancho sa kanyang caption.

Dagdag pa ng aktor, “Ang saya sa feeling pag umuuwi ka may bago nanaman siyang ginagawa or sinasabi, ang saya sa feeling marinig yung 'Hi Dada!' At yayakapin ka pag naka uwi ka na.”

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Sinabi rin ni Juancho na pinagdadasal niyang hindi niya ma-take for granted ang mga moments na iyon kasama ni Eliam.

“At sana ang iba ding mga tatay, dahil mabilis lang ang panahon, iba na ang trip nila kaagad,” dagdag pa nito.

Tinapos niya ang post niya ng mga katagang, “Best feeling in the world.”

Sa isang episode ng podcast ni Juancho na One on Juancho, ipinahayag ni Joyce ang appreciation niya para sa asawa sa pagiging hands-on sa anak nilang si Eliam.

“I want to honor you for being so present in Eliam's life and for always making sure that you spend time with him, I see you become more patient with him, and talagang you go out of your way to be there for him,” sabi ni Joyce.

Samantala, sinigurado naman ni Juancho na kahit abala siya noon sa pag- shoot ng Maria Clara at Ibarra bilang si Padre Salvi na meron pa rin siyang quality time kasama si Eliam.

“Pause muna kay Padre Salvi, Padre de Pamilia muna tayo #TheTrivinos,” saad ni Juancho sa kanyang Instagram post.

TINGNAN ANG IBA PANG FATHER-AND-SON MOMENTS NILA JUANCHO AT ELIAM SA GALLERY NA ITO: