GMA Logo juancho trivino
Source: juanchotrivino/IG
What's on TV

Juancho Trivino, tuluyan nang nagpaalam kay Padre Salvi

By Kristian Eric Javier
Published June 23, 2023 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

juancho trivino


Ipinakita ni Juancho Trivino ang "huling bideyo ng inyong Mahal na Kura" bilang pamamaalam sa ginampanan niyang karakter na si Padre Salvi.

"Paalam,, Padre Salvi"

Sa huling PSAdventures o Padre Salvi Adventures post ng Kapuso actor na si Juancho Trivino, nagpaalam na siya sa kanyang karakter na si Padre Salvi mula sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa kanyang Instagram video, na aniya'y, "Huling bideyo ng inyong Mahal na Kura," makikitang nag-iwan ng ilang mensahe para sa mga kabataang lumapit sa kanya.

Ayon kay Padre Salvi, “Ako ay naghahanap ng kabataan dahil ang kabataan ang susi sa kinabukasan. Dahil ang kabataan ang susi sa kinabukasan ng Pilipinas dahil sila ay susunod sa magandang ehemplo tulad ko.”

Inilibre pa ni Padre Salvi ang mga kabataan ng makakain at sa huli ay binilinan na, “Palawakin natin ang ating mga kaalaman at maging mabait kayo sa mga sugo ng Diyos.”

Nag-iwan din ng “magandang mensahe” ang dating kura ng San Diego at sinabing “Mahal ko rin kayo - maaring hindi katulad ng pagmamahal niyo sa akin, pero sapat lang para kayo'y bigyan ng aruga ng aking grupo. “

Tinapos ni Juancho ang mensahe niya ng “Hanga't sa muli nating pagkikita.”

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Nagsimulang ipalabas sa GMA Telebabad ang Maria Clara at Ibarra noong Oktubre 2022, at natapos nitong Pebrero 2023. Kahit natapos na ang serye, patuloy pa rin si Juancho sa pagganap bilang Padre Salvi sa kanyang short skits, kasama si Kiel Rodriguez, na gumanap naman bilang sakristan mayor na si Renato.

Ang full episodes Maria Clara at Ibarra ay mapapanood pa rin sa GMANetwork.com at sa streaming platform na Netflix.

SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG MGA EKSENA SA LIKOD NG KAMERA NG MARIA CLARA AT IBARRA: