GMA Logo Judy Ann Santos movie with Vilma Santos
Photo source: 24 Oras
What's Hot

Judy Ann Santos, 'no hard feelings' nang hindi nakasama si Vilma Santos sa 'Espantaho'

By Karen Juliane Crucillo
Published December 11, 2024 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Judy Ann Santos movie with Vilma Santos


Abangan si Judy Ann Santos sa 'Espantaho' na ipapalabas na ngayong MMFF.

Walang ganap na kontrobersiya, kundi puro good vibes lang si Judy Ann Santos.

Inilahad ng aktres na "no hard feelings" daw na hindi natuloy ang partisipasyon ni Vilma Santos sa Espantaho, ang MMFF 2024 entry na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Nagpahayag naman ng komento si Judy Ann patungkol rito sa isang panayam ng 24 Oras.

"Naniniwala rin naman ako sa sinabi ni Ate Vi na there would be another project that's really meant for us and I am holding on to that," sabi ng aktres.

Naniniwala pa rin si Judy Ann na mayroong mas magandang proyekto na talagang nakalaan para sa kanila.

Kapwa isinumite sa MMFF 50 script submissions ang dalawa sanang pelikula ni Vilma Santos na Uninvited at Espantaho. Ngunit, ang Uninvited ang pumasa sa first five.

Nagpaalam si Vilma Santos sa team ng Espantaho para gawin ang kanyang pelikula ngayong MMFF na Uninvited, kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Abangan naman si Judy Ann sa obra maestra ni Direk Chito Roño na Espantaho, kasama sina Lorna Tolentino, Eugene Domingo, Chanda Romero, at Janice de Belen.

RELATED CONTENT: Silipin naman rito ang iba pang entries sa MMFF 2024: