GMA Logo vilma santos and aga muhlach
Source: Mentorque on Facebook
What's Hot

Vilma Santos, may banta kay Aga Muhlach para tanggapin ang 'Uninvited'

By Nherz Almo
Published November 21, 2024 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

9 alleged ex-terrorists surrender in Maguindanao del Norte
US Homeland Security orders pause of DV1 visa program
Pop Mart opens first permanent PH store

Article Inside Page


Showbiz News

vilma santos and aga muhlach


Aga Muhlach, sa ikatlong pelikula kasama si Vilma Santos: “it comes in threes. This is our third film, I'm okay. Done na ako sa buhay.”

Sa ikatlong pagkakataon, muling magkasamang bibida sina Vilma Santos at Aga Muhlach sa isang pelikula. Ito ay sa pamamagitan ng Uninvited, isa sa official entries ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa ginanap na grand launch nito kagabi, November 20, isa sa mga miyembro ng entertainment media ang nagtanong kung bakit inabot ng tatlong dekada para muling magkatrabaho sa pelikula sina Vilma at Aga.

Una na silang nagsama sa mga pelikulang Sinungaling Mong Puso (1992) at sinunan naman Nag-iisang Bituin (1994)

Ayon kay Vilma, si Aga ang unang aktor na naisip ng production team ng binubuo ang Uninvited.

Kuwento niya, “Of course, alam namin na hindi madali yung istorya ng Uninvited. Initially, ang tawag pa nga namin dito, Project Red. Noong ni-layout na nila ang istoya, hindi talaga madali at talagang importante yung mga characters doon sa mga movie para maging epektibo.

“Noong nabuo na ito, kinausap na kami ni Direk, ng team. Wala talagang ibang choice to play Guilly, at ang isang unang pangalang ibinagsak, totoo ito ha, Aga Muhlach.”

Kasunod nito, pabirong ikinuwento ni Vilma ang naging pag-uusap nil ani Aga, na pinagbantaan niya umano kung hindi niya tatanggpin ang movie offer.

“Noong tumawag sa akin si Aga, 'Ano, Vi, totoo ba gagawin natin [ang] pelikulang ito? Gagawa tayo ng pelikula?' 'Tapos, sabi ko, 'Oo, Aga, tanggapin mo dahil kung hindi, isosoli ko na yung kandila bilang ninang ni [Charlene Gonzalez] sa kasal.' Sabi ko, 'Kapag hindi mo tinanggap 'to, ibabalik ko na yung kandila ninyo ni Charlene.' Kasi, ninanng nila ako sa kasal, 'Kaya tanggapin mo na ito dahil gusto na kitang bakbakan.' Doon nag-umpisa yun. Now, ito na, tapos na yung pelikula namin.”

Ayon naman kay Aga, naging madali sa kanyang tanggapin ang Uninvited dahil gusto na rin niyang makasama ang Star for All Seasons.

Aniya, “So, how can I say no? When the film was offered sa akin, all I could do was call her first. Sabi nga ng project head sa akin, 'Sir, tatawagan n'yo?' Sabi ko, 'Bakit? Nakakausap ko naman siya parati.' I mean, we're good friends, so I just called her up and [asked her], 'Gagawin mo ba 'to? Ikaw ba talaga? Tuloy ba talaga? Sabi niya, 'Yes. Ganito, gawin mo 'to ganyan-ganyan.'”

Patuloy pa ng aktor, “Hindi naman niya kailangang magsalita pa. I was just waiting for this time. I'm just happy. Again, like what I mentioned a while back, I'm happy I have done this film and to have done it again with Ms. Vilma Santos. Kumbaga, it comes in threes. This is our third film, I'm okay. Done na ako sa buhay.”

Sa huli, inihayag ni Aga kung gaano siya ka-proud sa kanilang pelikula para sa gagawing MMFF ngayong taon.

“Proud ako sa dalawang pelikulang ginawa namin. Ito, sobra akong proud sa pangatlong 'to. Nae-excite lang po ako. Basta salamat sa pagkuha ninyo sa akin sa pelikulang 'to,” pagtatapos ng aktor.

Samantala, tingnan ang pasilip ng isa pa sa official entries ng 2024 MMFF, ang Green Bones: