GMA Logo Julia Barreto on Eat Bulaga
Source: Eat Bulaga
What's on TV

Julia Barretto's first appearance on GMA via 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published September 10, 2022 2:38 PM PHT
Updated September 10, 2022 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Julia Barreto on Eat Bulaga


Mainit ang naging pagsalubong ng 'Eat Bulaga' dabarkads sa aktres na si Julia Barretto ngayong Sabado.

Sa kauna-unahang pagkakataon napanood sa GMA noontime show na Eat Bulaga ang aktres na si Julia Barretto bilang celebrity guest sa segment na "Bawal Judgemental" ngayong Sabado, September 10.

Sa nasabing segment, game na game na nakipag-chikahan ang aktres sa dabarkads at nakihula kung sino sa mga grandparents ang nag-viral online at nakakuha ng mahigit 2 million views.

Matatandaan na naging usap-usapan sa social media kamakailan ang nakatakdang pagbisita ng aktres sa nasabing noontime show na talagang inabangan ng marami. Bukod dito, naglabas din ng teaser poster sa Instagram ang Viva na talent management ni Julia tungkol sa kaniyang guesting sa Eat Bulaga.

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Posible na rin kayang mapanood din si Julia sa iba pang programa sa GMA? Iyang ang dapat abangan.

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG ILAN SA MGA CELEBRITY NA DATING KAPAMILYA AT NGAYON AY CERTIFIED KAPUSO NA SA GALLERY NA ITO: