
Sa isang pambihirang pagkakataon, makikitang magkakasama ang Kapuso at Kapamilya stars na sina Solenn Heussaff, Alden Richards, Rhian Ramos, Bianca Umali, Julia Barretto, at Maris Racal sa isang event na pinangunahan ng celebrity cosmetic doctor na si Dr. Vicki Belo.
Sa Instagram, ibinahagi ni Solenn ang larawan kung saan spotted sila ng kapwa Kapuso artists at ang mga Kapamilya na sina Julia at Maris.
"A different type of day," caption ni Solenn sa kanyang post.
Mabilis naman na nag-kumento sa post na ito ng celebrity mom si Dr. Belo.
Aniya, "My beautiful and gwapo Belo Babies."
Masaya naman si Maris sa pagkikita nila ni Solenn.
"Nice meeting you," saad ng aktres.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita ang sikat na mga artista mula sa magkahiwalay na istasyon. Silipin sa gallery na ito ang ilang pang mga larawan ng Kapuso-Kapamilya friendly encounters.