
Ipinakita ni Julia Clarete ang kanyang ginawang paghahanda bago siya muling sumalang sa Eat Bulaga stage.
Ang dating dabarkad ay muling napanood sa longest-running noontime show noong July 30 kung kailan ipinagdiwang din ng programa ang 41st anniversary nito.
Kasalukuyang nasa Pilipinas ngayon si Julia. Dahil sa kanyang guesting sa Eat Bulaga ay muli niyang nakasama ang kanyang mga dating katrabaho at kaibigan.
Pag-amin niya sa interview ng Unang Hirit, nami-miss daw niya makipagbiruan at maghatid ng saya habang nakakatulong sa mga kababayan.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, ibinahagi rin niya ang kanyang paghahanda behind the scenes bago bumalik sa Eat Bulaga stage.
Aniya, “BTS from the 41st Anniversary dance opening for Eat Bulaga!”
Taong 2016 nang umalis si Julia sa Eat Bulaga.