GMA Logo Julia Clarete
What's Hot

Julia Clarete, ipinasilip kung paano siya naghanda para sa dance opening sa 'Eat Bulaga'

By Cherry Sun
Published August 18, 2020 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ateneo urges public to avoid cyberbullying amid probe into Baterbonia, Adili deaths
Several want to transfer schools following Tacloban shooting
Anne Curtis wears same designer jewelry as Mariah Carey

Article Inside Page


Showbiz News

Julia Clarete


Muling napanood si Julia Clarete sa 'Eat Bulaga' nang ipagdiwang ng longest-running noontime show ang kanilang ika-41 na anibersaryo.

Ipinakita ni Julia Clarete ang kanyang ginawang paghahanda bago siya muling sumalang sa Eat Bulaga stage.

Ang dating dabarkad ay muling napanood sa longest-running noontime show noong July 30 kung kailan ipinagdiwang din ng programa ang 41st anniversary nito.

Julia Clarete

Kasalukuyang nasa Pilipinas ngayon si Julia. Dahil sa kanyang guesting sa Eat Bulaga ay muli niyang nakasama ang kanyang mga dating katrabaho at kaibigan.

Pag-amin niya sa interview ng Unang Hirit, nami-miss daw niya makipagbiruan at maghatid ng saya habang nakakatulong sa mga kababayan.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, ibinahagi rin niya ang kanyang paghahanda behind the scenes bago bumalik sa Eat Bulaga stage.

Aniya, “BTS from the 41st Anniversary dance opening for Eat Bulaga!”

BTS from the 41st Anniversary dance opening for Eat Bulaga! 🤦🏽‍♀️ 🤣🤣🤣 thanks, @swebway for the tips and camera work. 😅

Isang post na ibinahagi ni JuliaClarette (@juliaclarette) noong

More BTS before I sleep.

Isang post na ibinahagi ni JuliaClarette (@juliaclarette) noong

Taong 2016 nang umalis si Julia sa Eat Bulaga.