GMA Logo The Clash Reunion Live online show
What's on TV

Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco at Lani Misalucha, nagpatikim ng kanilang mga bagong single sa 'The Clash Reunion Live'

By Jansen Ramos
Published May 5, 2020 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga vendor sa Baguio City Public Market, tutol sa planong ayusin ang pamilihan na maaaring mauwi sa ‘mallification’
DA 6: Supply of meat ample a week to Christmas Day
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash Reunion Live online show


Naghandog ng fun online musical experience sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Ms. Lani Misalucha sa 'The Clash Reunion Live' noong Sabado, May 2.

Bukod sa pagbibigay ng online audition tips, nagkaroon ng mini-concert sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Ms. Lani Misalucha sa The Clash Reunion Live online show noong Sabado, May 2.

Habang nasa kani-kanilang mga tahanan, naghandog sila ng fun online musical experience sa pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga bagong single.

Kinanta ni Julie Anne ang kanyang single na "Better," samantalang kinanta naman ni Lani ang "I Can't Give Anymore."

Pineform ni Christan ang "Bukas Wala Nang Ulan" kasama si Janine Teñoso.

Sa kabilang banda, kinanta ng The Clash Season 1 Grand Champion na si Golden Cañedo ang kanyang third original single na "More Than Anyone" na ini-release ng GMA Music noong 2019.

Inawit naman ni Jeremiah ang kanyang debut single na "Titulo" na pinerform niya noong itinanghal siyang The Clash Season 2 Grand Champion.

Panoorin ang kanilang mini-concert sa The Clash Reunion Live:

RELATED CONTENT:

PANOORIN: Ang criteria para sa online auditions ng 'The Clash'

Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha, ano-anong qualities ang hahanapin sa next 'The Clash' grand winner?

Aiai Delas Alas, na-miss ba ang kanyang bashers?