GMA Logo the clash online edition
What's on TV

PANOORIN: Ang criteria para sa online auditions ng 'The Clash'

By Cherry Sun
Published May 3, 2020 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics called to follow Joseph’s faith amid hardships on 3rd anticipated Simbang Gabi
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

the clash online edition


Paano nga ba sumali at makapasa online auditions ng 'The Clash?' Alamin dito!

Online auditions ang gagawin para sa ikatlong season ng The Clash.

Anu-ano kaya ang criteria para sa mga gustong sumali?

Inanunsyo na ng programa na nagsisimula na ang online auditions para sa bagong season ng original musical competition ng Kapuso network.

Ito ay bukas sa lahat ng Filipino may edad 16 taon gulang o higit pa. Maaari rin daw mag-submit ng audition video sa pamamagitan ng direct message sa The Clash Facebook page hanggang June 28, 2020.

Pinaalala rin ni Christian Bautista kung paano susukatin ang mga mag-o-audition. Ang criteria ay binubuo ng sumusunod: 50% voice quality, 30% style and performance, 20% overall appeal.


Ang ginawang announcement ng Kapuso Romantic Balladeer ay nangyari sa live online reunion ng The Clash nitong Sabado, May 2.

Nakasama ni Christian dito ang kanyang kapwa judges na sina Aiai delas Alas at Lani Misalucha, at pati na ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Clashmates na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Narito ang ilan pang Dos and Don'ts para sa paggawa ng audition video:

EXCLUSIVE: Christian Bautista, may payo sa online auditionees ng The Clash

Golden Cañedo, may mensahe sa mga sasali sa online auditions ng The Clash