GMA Logo Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
Photo by: rcjaps (IG)
What's Hot

Julie Anne San Jose explains why she enjoys working with Rayver Cruz

By Bong Godinez
Published November 16, 2021 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz


The two went to the Visayas recently to shoot “Heal” as part of 'Limitless: A Musical Trilogy.'

Itong darating na Sabado, November 20, ay mapapanood na worldwide ang “Heal,” part two ng Limitless: A Musical Trilogy na pinagbibidahan ni Julie Anne San Jose.

Sa Visayas naman ngayon nagtungo si Julie Anne para kilalanin ang kultura ng isla at bisitahin ang iba't ibang lugar doon.

Hindi mag-isa na namasyal si Julie Anne dahil bukod sa Limitless team ay sinamahan din siya ni The Clash Season 3 grand champion Jessica Villarubin at ng aktor na si Rayver Cruz.

We lost count kung ilang beses nang nagkatrabaho sina Julie Anne sa Rayver sa mga proyekto.

At base sa mga pictures na lumabas lately ay mukhang sobrang nag-enjoy sina Julie Anne at Rayver sa kanilang pamamasyal sa Visayas.

“First of all, ang gaan kasi talaga katrabaho ni Rayver and I never had a hard time working with him,” kuwento ni Julie Anne nang makausap ng GMANetwork.com kamakailan.

“Aside from that, we've been close talaga ever since and also I got to know him more 'nung Siquijor trip din naming,” dagdag pa niya.

Kasama ang mystical island of Siquijor sa mga lugar na dinayo ng Limitless team para “Heal.”

Ayon kay Julie Anne, nakatulong ang Visayas trip nila para makilala pa niya ng husto si Rayver.

“We had a fun, amazing experience. It was just nice to catch up with someone like Rayver, siyempre isama na rin natin si Jessica,” sabi ni Julie Anne.

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

“Ewan ko, comfortable lang siguro talaga 'ko with Rayver and magaan 'yong pakiramdam and ganun naman talaga 'pag nagta-travel ka. Mas masaya 'pag ini-enjoy mo 'yong buong experience kapag may kasama kang friend,” kuwento pa niya.

Ang Limitless Part 2: Heal ay mapapanood online simula sa November 20.

Bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng tickets: P599 (General Admission); P999 (Synergy Pass GA); P1,199 (VIP); P2,199 (Synergy Pass VIP); and P2,799 (Synergy Pass Premium).

Follow www.facebook.com/GMASynergy para sa iba pang detalye. For more updates on GMA Network, visit www.GMAnetwork.com.

Samantala, balikan ang maraming onscreen moments nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa gallery na ito.