
Kabilang si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa mga nagparating ng mensahe kay Kapuso Drama King Dennis Trillo sa contract renewal nito sa GMA Network.
Matatandaang muling pumirma ng kontrata si Dennis sa kanyang home network nitong August 4.
"Hi Dennis! Gusto ko lang sabihin na congratulations dahil isa ka pa ring certified Kapuso. Congratulations sa inyong renewal," lahad ni Julie Anne sa isang video message.
Binalikan din ni Julie Anne ang experience ng pagiging co-star ni Dennis.
Nagkatrabaho ang dalawa sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra kung saan ginapanan nila ang titular characters.
Dagdag pa ng singer na umaasa siyang magkakatrabaho sila muli ni Dennis.
"Napakasaya ko dahil nagkaroon ako ng opportunity na makatrabaho ka sa isang proyekto and of course, we are all looking forward para sa iyong mga future projects. At sana magkatrabaho ulit tayo," aniya.
PANOORIN ANG MENSAHE NG MGA KAPUSO PARA KAY DENNIS TRILLO DITO:
SILIPIN ANG HIGHLIGHTS NG CONTRACT RENEWAL NI DENNIS TRILLO SA GMA NETWORK DITO:
Samantala, muling mapapanood si Dennis Trillo bilang Crisostomo Ibarra sa rerun ng groundbreaking series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 4:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
Mapapanood din ito sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.