
Ayon kay Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, ibang Maria Clara na ang mapapanood sa bagong yugto ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Magtatapos ang bahagi ng serye na hango sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere sa pagpasok ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.
"Sinakripisyo niya lahat--'yung buhay niya, 'yung buong pagkatao niya para lang ma-save 'yung sarili niya kasi nga may time kasi na nawala na sa kaniya 'yung pinakamamahal niya," paliwanag ni Julie Anne.
Pero dito raw makikita ang malaking pagbabago kay Maria Clara.
"Under circumstances na hindi niya rin in-expect na mangyayri sa buhay niya, from there pa lang, naubos na siya eh. Ang masasabi ko lang doon sa progress or doon sa arc ngayon ng character ni Maria Clara, parang naging siya na si Klay," bahagi ng aktres.
Malaking impluwensiya raw dito ang karakter ni Klay (Barbie Forteza).
"We all know na si Maria Clara before, mahinhin tapos wala siyang magawa kundi sumunod lang sa mga sinasabi sa kaniya, inuutos sa kaniya. Wala siyang boses. Sa tulong ni Klay, unti unting naa-unfold 'yung mga iniisip niya. May mga sarili na siyang desisyon sa buhay, may sarili na siyang pagpapasya. Ginagamit niya 'yung kapangyarihan niya through kahinhinan. Unti unti 'yun, nagbabago na siya, nagkakaroon siya ng boses. Mas nagkakaroon siya ng freeedom to express herself even more," lahad ni Julie Anne.
Sa huling apat na linggo ng Maria Clara at Ibarra, tatawid ng kuwento nito patungo sa pangalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo.
Nakatakdang bumalik sa bayan ng San Diego si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) sa ilalim ng bago niyang katauhan bilang ang alaherong si Simoun.
Sisikapin naman ni Klay na makabalik sa mundo ng nobela para ipagpatuloy ang pagtulong sa mga minamahal niyang karakter dito. Paano kaya siya makakabalik?
Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, NARITO ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: