GMA Logo julie anne san jose
Source: myjaps/IG
What's Hot

Julie Anne San Jose, patuloy na hinahangaan dahil sa kanyang kababaang-loob

By Jansen Ramos
Published January 25, 2023 2:06 PM PHT
Updated January 30, 2023 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose


Isa na si Rayver Cruz na pumuri sa girlfriend niyang si Julie Anne San Jose matapos itong manawagan na itigil na ang pagkukumpara sa kanila ng batikang aktres na si Judy Ann Santos.

Lalo pang hinangaan ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose matapos magpakita ng kababaang-loob kamakailan.

Isa na rito ang boyfriend at The Clash co-host niyang si Rayver Cruz na nagpahiwatig ng papuri kay Julie matapos manawagan na itigil na ang pagkukumpara sa kanila ng beteranang aktres na si Judy Ann Santos.

Tweet ni Rayver, "Si @MyJaps ang pinaka mabait pinaka humble pinaka masipag pinaka magalang pinaka ma respeto pinaka maalaga pinaka the best na taong nakilala ko kaya Lalo pang tinatamaan ang puso ko sa kanya everyday hehehe. Andito lang me no matter what I'm so so proud of you spideykins."

Burado na ngayon ang tweet na naglalaman ng pagkukumpara kina Julie at Juday base sa kanilang roles na Maria Clara at Mara Clara. Pero may ilan namang nakapag-screenshot ng post bago ito mawala sa Twitter.

Hindi ito pinalampas ni Julie at kinailangang mag-reply sa panatiko matapos punahin ang acting ni Juday para ipahayag ang mahusay na pagganap ni Julie sa hit GMA Telebabad series na Maria Clara at Ibarra.

Pinabulaanan ng Kapuso star na mas angat ang galing niya kaysa sa batikang artista na aniya'y iniidolo rin niya.

Sagot ni Julie, "Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat."

Bukod sa kanyang talento, isa na rin marahil ang tamang attitude ni Julie kung bakit patuloy ang pamamayagpag ng kanyang career.

Sa ngayon, may tatlong TV projects si Julie na kasalukuyang ipinalalabas sa GMA.

Maliban sa Maria Clara at Ibarra at The Clash, napapanood din siya sa All-Out Sundays bilang mainstay.

Nakatakda ring ipalabas ang unang series nila ni Rayver na mapapanood sa Pebrero online. Mayroon din silang pelikulang gagawin na pinamagatang, The Cheating Game.

TINGNAN ANG HIGHLIGHTS NG CAREER NI JULIE ANNE SAN JOSE SA GALLERY NA ITO: