GMA Logo Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
What's on TV

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz gusto na magpakasal sa 2027

By Jansen Ramos
Published June 26, 2026 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MILF declares DI-MG, NPA persona non grata in Lanao del Norte
EXPLAINERS: Why study the DNA of the longest-living trio sisters?
FPJ Sa G! Flicks: 'Ang Leon at Ang Kuting' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz


Parehong nag-agree sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz nang tanungin kung magpapakasal na sila sa 2027.

Napuno ng kilig ang episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, June 25, nang mag-guest ang Kapuso couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Sa kanilang guest appearance, sumalang sila sa 'Agree or Disagree' game kung saan sinagot nila ang ilang tanong na may kinalaman sa maiinit na relationship topics ngayon. Kabilang dito kung payag sila sa live-in setup bago ang kasal, bagay na pareho nilang hindi sinang-ayunan dahil sa pareho nilang pananaw.

RELATED: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, hindi pabor sa live-in setup

Parehong old-fashioned ang mga pamilya nina Julie at Rayver kaya gusto nilang mauna ang kasal bago sila magsama sa iisang bahay, bilang pagrespeto na rin sa kagustuhan ng kanilang mga magulang.

Nagulantang naman ang studio dahil sa panghuling tanong ng King of Talk: magpapakasal na ba sila sa 2027?

Parehong nag-agree ang couple, na kinumpirma ang kanilang relasyon noong 2022.

Ayon kay Rayver, "Kaya ako nag-agree kasi 'di ko alam yung timeline pero alam ko naman na si Julie na yung mapapangasawa ko."

Panoorin ang buong panayam ni Tito Boy sa JuliVer sa video sa ibaba.