GMA Logo SLAY actress Julie Anne San Jose
What's on TV

Julie Anne San Jose, sinorpresa ng fans ng coffee party sa 'SLAY' taping

By Aimee Anoc
Published March 9, 2025 2:27 PM PHT
Updated March 12, 2025 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY actress Julie Anne San Jose


Tingnan ang natanggap na surprise coffee truck ng 'SLAY' actress na si Julie Anne San Jose mula sa kanyang fans dito.

Nakatanggap si Julie Anne San Jose ng surprise coffee party mula sa kanyan fans, ang JAmantes, sa taping ng kanyang pinakabagong series na SLAY.

Sa Instagram, kitang-kita ang saya ni Julie Anne sa natanggap na coffee truck mula sa fans.

"Slay the day! Congratulations, Julie and team! Giving you latte love for the new series," mensahe ng fans kay Julie.

A post shared by JAmantes PH 🔶️ (@jamantesph)

Kasalukuyang abala ngayon si Julie Anne sa kanyang kauna-unahang murder mystery series, ang SLAY, kung saan gaganap siya bilang Liv.

Makakasama ni Julie Anne sa SLAY ang iba pang lead cast na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega, maging ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio at Royce Cabrera.

Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento ng SLAY sa GMA at Viu Original.

Abangan ang SLAY sa GMA Prime simula March 24. Samantala, napapanood na ang ibang side ng story nito sa Viu Original.

Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY dito:

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: