
Dahil sa pagkasangkot ni Stephanie [Matt Peranee] sa pagkamatay ni Mina, halos sunod-sunod ang kamalasan dumarating sa buhay nito.
Mula sa pagkatanggal sa kanyang latest soap hanggang sa pagiging overbooked ng kanyang favorite spa, hindi mapigilan ni Stephanie na mag-alala sa magiging kalagayan ng kanyang karera kung magpatuloy pa ang isyu.
Sa pagbagsak ng career ni Stephanie may nagbukas naman na oportunidad para kay Leslie na hindi niya maitatanggi. Samantalahin niya kaya ang kalagayan ng huli?
Samantala, napasugod si Justin [Nadech Kugimiya] sa bahay ni Stephanie nang matuklasan niyang may mga kahina-hinalang bisita ito.
Sino ito? Ang kababatang kaibigan ng aktres na si Mark.
Sa kanilang unang pagkikita, nakatanggap kaagad si Justin ng babala mula kay Mark na layuan ang kaniyang kapitbahay. Magpapaapekto kaya siya sa mga banta nito?
Patuloy na panoorin ang My Love From Another Star tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.