GMA Logo My Love From Another Star
What's Hot

Justin rescues Stephanie from danger | 'My Love From Another Star' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published October 19, 2020 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
What are ‘basic necessities’ and ‘prime commodities’? Here’s what consumers need to know
The Thinkers On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

My Love From Another Star


It's manager Justin to the rescue! Balikan ang mga nangyari sa 'My Love From Another Star.'

Matapos ang ilang beses na pagtatangka, muling inalok ni Mark (Mau Junyangdikul) si Stephanie (Matt Peranee) ng kasal. Kaso nga lang, hindi pa rin ito itinanggap ni Stephanie dahil ayaw niyang matulad sa kanyang ina na nagpakasal dahil sa pera lamang.

Paano kaya ito tatanggapin ni Mark?

Dahil sa unti-unting pagbagsak ng kanyang karera, tuluyan na ang pagpilit ni Stephanie kay Justin (Nadech Kugimiya) na kanyang maging manager.

Ang una sa kanilang agenda: baguhin ang public image ni Stephanie sa pamamagitan ng pagsali sa isang quiz show na magpapakita ng kanyang wits at talino.

Kasunod ng pagbabanta sa buhay ni Stephanie, may isang kahina-hinalang bagay ang natagpuan si Justin sa bahay nito --- isang hidden camera.

Maliban diyan, nalagay muli sa panganib ang buhay ni Stephanie matapos madakip ito sa ospital.

Maligtas pa kaya siya ni Justin? Panoorin:


Patuloy na panoorin ang My Love From Another Star tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.