
Naging viral ang dating magkasintahan na Krizzy at Jywhon nang mag-guest ang mga ito sa EXpecially For You segment ng It's Showtime.
Sa paghahanap ng dalawa ng closure sa kanilang breakup, naungkat ang mga dati nilang issue at nabanggit ni Jywhon na hindi siya tanggap ng magulang ni Krizzy, diumano dahil sa pagkakaiba nila ng estado sa buhay.
Nang makita ng host na si Vice Ganda ang ina ni Krizzy sa audience ay diretsahan niya na itong tinanong.
"Ano po ang gusto niyong sabihin sa kanila? Kasi sa kuwento nila parang meron kang bahagi dun sa pinagdaanan nila."
Paliwanag ng ina ni Krizzy, "As a parent, napakalaking ano [bahagi] ko naman sa buhay ng anak ko. Para kasing tinest ko siya, pero hanggang doon lang. Ako nag-OFW ako sa Taiwan, buong buhay ko 'yung anak ko 'yung priority ko dahil wala na 'yung father niya."
Dagdag ng ina ni Krizzy, "Hindi ko nakikita sa kaniya 'yung gusto ko para sa anak ko. Parang iniwan niya rin na wala rin 'yung anak ko, isang gano'n lang pala tapos na.Tama lang 'yung desisyon ko na ganun 'yung ginawa ko sa kaniya. Pero siguro kung nag-reach out din siya sa akin, okay sana. Pero okay na ako ngayon, tapos na naman na sila."
"Nagdamdam ka ba sa nanay mo?" Tanong naman ni Vice Ganda kay Krizzy.
Saad ni Krizzy, "Opo, nung una. Kasi parang wala akong kalayaan kung sino 'yung gugustuhin ko. Pero naintindihan ko na po siya nung dumaan na 'yug araw. Kasi 'yung studies ko, napabayaan ko dahil sa away namin. Na-realize kong nagiging distraction siya nung panahon na 'yun."
Sa huli, ipinaliwanag muli ng ina ni Krizzy ang kaniyang hangarin para sa anak, "Siguro naiintindihan niya rin ako kasi gusto ko lang mapabuti 'yung anak ko, panganay kasi siya. Mga bata pa rin sila, baka hindi pa nila alam mga ginagawa nila."
Panoorin:
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA NAGING GUEST SA 'EXPECIALLY FOR YOU' SA GALLERY SA IBABA