GMA Logo Kim Chiu
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Kim Chiu, naging emosyonal dahil sa suportang natanggap sa kanyang 18th showbiz anniversary

Published June 4, 2024 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ipo Dam gate open to release water —PAGASA
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chiu


Actress and 'It's Showtime' host Kim Chiu sa kanyang 18th showbiz anniversary: “Through ups and downs, nandiyan sila, mga sumusuporta sa akin. Thank you. Happy anniversary to us.”

Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang 18th anniversary sa showbiz nitong Lunes, June 3.

Sa recent episode ng It's Showtime, masayang binati si Kim ng kanyang co-hosts sa 18 na taon niya sa industriya. Labis ang pasasalamat ng actress-host sa kanyang fans dahil aniya'y sila ang nagpaalala tungkol sa kanyang showbiz anniversary.

“Thank you so much. Alam mo, hindi ko talaga alam. Napaalala lang talaga ng Kim Chiu Global, Kim Chiunatics. Ni-remind nila ako today and nagpaulan sila ng madaming food.

“Nagpa-billboard sila. Ang dami talaga. I wanna cry. Thank you so much,” aniya.

Tila naging emosyonal naman si Kim habang sinabi, “Thank you for the love, the support, and for always reminding me na nandiyan kayo lagi para suportahan ako.”

Dagdag pa niya, “Through ups and downs, nandiyan sila, mga sumusuporta sa akin. Thank you. Happy anniversary to us.”

Matapos ito, humirit si Jhong Hilario at sinabi, “Alam mo ang wish namin, sana ibang anniversary naman 'yung i-celebrate natin.”

Dagdag naman ng singer-host na si Teddy Corpuz, “'Wag muna tayo sa anniversary, monthsary daw muna.”

Ani Kim, “Hanap muna ako ng ka-monthsary ko.”


Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SILIPIN ANG SEXIEST LOOKS NI KIM CHIU SA GALLERY NA ITO.