GMA Logo K Brosas new house
Celebrity Life

K Brosas, masayang nakalipat sa kanyang bagong bahay

By Jimboy Napoles
Published September 20, 2022 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

K Brosas new house


Matapos maloko ng kanyang contractor noon, nakalipat na sa kanyang bagong bahay ang komedyante na si K Brosas.

Masayang ibinida ng comedienne-actress na si K Brosas sa social media ang paglipat niya sa kanyang naipatayong bagong bahay na bunga ng kanyang kinita sa pag-aartista.

Sa Instagram, magkakasunod ang posts ni K Brosas ng mga larawan ng kanyang 2-story house.

"Naka-move in na officially keme! sensya na bathroom ko pa lang ang super ayos hehe marami pang gamit nakakalat kaya haggard.Thank you Lord! at thanks @archt_jhigs ang aking architect/contractor," caption ni K sa kanyang post kung saan makikita ang ilan sa bahagi ng kanyang bahay.

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)

Sa isa pang hiwalay na post, ipinakita naman ni K ang mga larawan ng kanyang living at dining area at humingi ng pasensya sa sunod-sunod niyang posts tungkol sa kanyang bagong bahay.

"Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat Lord natapos din at last mukhang bahay na talaga hindi bodega hehe 'yung room ko na lang magulo," ani K.

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)

Matatandaan na nabinbin ang pagpapatayo ng bahay ni K noong nakaraang taon matapos siyang maloko at matangayan ng PhP7M ng kanyang dating contractor.

Sa comments section ng kanyang posts, binati naman si K ng kanyang mga kaibigan gaya nina Allan K at Donita Nose sa bagong investment ng komedyante.

SAMANTALA, SILIPIN PA ANG ILANG IPINAPATAYONG BAHAY NG MGA CELEBRITY NGAYONG TAON SA GALLERY NA ITO: