GMA Logo esnyr and sarah discaya kmjs
What's Hot

Ka-look-alike nina Esnyr at Sarah Discaya, nakita ng 'KMJS'

By Bianca Geli
Published September 15, 2025 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emma Tiglao calls for politeness as she recounts rude encounter with fellow Filipino audience member at Miss Universe
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

esnyr and sarah discaya kmjs


Tingnan ang mga ka-lookalike nina Esnyr at Sarah Discaya na agad naging usap-usapan online:

Nag-viral ang dalawang ka-lookalike ng kasalukuyang trending na sina Sarah Discaya at Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Esnyr.

Sa Marinduque, namataan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang isang ka-lookalike ni Esnyr.

"Ako 'yung nawawalang kapatid ni Esnyr. Ako 'yung kakambal ni Esnyr," pabirong sabi ni Alvin Ricaflanca, na ka-look alike ng content creator.

Biro rin ng kanyang mga kaibigan, "Mas Esnyr pa siya kay Esnyr."

Ayon kay Alvin, hindi siya sanay sa harap ng kamera katulad ng Esnyr. Kaya laking gulat niya nang mag-viral ang kanyang stolen video.

Aniya, super fan daw talaga siya ng komedyanteng content creator, "Hindi ako makakatulog ng hindi nanonoog ng mga vlogs niya."

Related gallery: You can't unsee: Celebrities at mga ka-look-alike daw nila

Samantala, matapos lumabas sa Senado ang usapin tungkol sa diumano'y kinurakot mula sa pondo ng flood control projects ni Sarah Discaya, bumaha rin ng reactions online nang lumabas ang litrato ng isang babae na hawig umano sa kanya.

Si Ronia Gracia Caragan ay nag-viral dahil sa pagkakahawig niya kay Sarah Discaya. Naglagay lang siya ng pekeng nunal gaya ng kay Sarah, at agad siyang mistulang ka-lookalike nito.

"Nakaplano na talaga na magpapagupit ako, hindi ko na inakala na sisikat pala si Discaya," aniya.

Alamin ang kanilang kuwento sa KMJS video na ito: