What's on TV

Kailan na-realize ni Michael V. na nakakatawa siya?

By Aedrianne Acar
Published June 21, 2025 9:30 PM PHT
Updated June 22, 2025 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

michael v


Michael V. on being funny: “Medyo mimic kasi ako noon, bata pa ako nanggagaya na ako ng boses.”

Gumawa ng pangalan si Michael V. sa showbiz sa pamamagitan ng pagpapatawa.

Pinangungunahan niya ngayon ang dalawang flagship comedy program ng GMA, ang Pepito Manaloto at Bubble Gang.

Bukod dito, nakaukit din ang pangalan ni Michael V. o Bitoy sa kanyang mga kasamahan, sa mundo ng musika dahil sa mga nakakatawa niyang parody ng mga sikat na kanta.

Pero ang tanong ng marami, kalian kaya na-discover ni Bitoy na nakakatawa siya?

Sinagot ito ng multi-awarded comedian nang sumalang sa first session ng season two ng Your Honor, na ipinalabas noong June 21 sa YouLOL YouTube channel.

Tanong sa kaniya ni Chariz Solomon a.k.a. Madam Cha: " Kelan mo nalaman, kuya, 'Parang nakakatawa ako, ah'. Paano mo nadiscover?”

“Bata pa ako, parang Grade 5 yata ako or Grade 6 nung may ginawa ako School play. 'Tapos, ang role na binigay sa akin e lolo. 'Tapos ang naging peg ko noon si Sabatini Fernandez.” kuwento ni Michael V. sa House of Honorables.

Pagpapatuloy niya, “Kung i-Goggle n'yo yan, isang magaling na artista din yan. Pero meron siyang distinct na pagsasalita 'pag naglo-lolo (ginaya boses ni Sabatini Fernandez).

“So, imagine Grade 5 ' tapos, ganun magsalita. So, parang tawanan ng tawanan 'yung mga audience, 'yung mga nanonood. Naisip ko na, may dating yata. Nakakatawa yata ako.”

“Nung nag-highschool ako, ang naging role ko rin sa isang play matanda rin, pero hindi na ganun 'yung performance. 'Tapos nung nag-college ako, sa kaunaunahang play din ng college, ganun din 'yung role ko.

“Matanda , so, parang character talaga…”

INSET: BITOY INSIDE
IAT: Michael V. on Your Honor xx Source: Your Honor

Naalala pa ni Direk Michael na aliw na aliw sa kaniya noon ang mga kaibigan at classmate niya kapag ginagaya niya ang boses ng ilan sa sikat na cartoon characters na napapanood nila noon.

“Nagli-lean towards ako sa mga character talaga na kakaiba. Medyo mimic kasi ako noon, bata pa ako nanggagaya na ako ng boses. 'Yung mga napapanood ko sa cartoons tuwang-tuwa mga kaklase ko 'pag ginagaya ko boses ng mga cartoon characters na sina Woody Woodpecker dati, tapos 'yung mga cast ng Voltes V minsan ginagaya ko.”

Ulitin ang pagsalang ni Michael V. sa masayang session ng Your Honor sa video below! (PLEASE INCLUDE ONCE THE FULL EP IS AVAILABLE. THANKS)

RELATED CONTENT: Alamin ang ilang funny facts tungkol kay Michael V.