GMA Logo Kakai Bautista at Donita Nose
photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Kakai Bautista at Donita Nose, gigil sa mga nangongopyang honor students

By Kristine Kang
Published September 6, 2026 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sugar Mercado, Hershey Neri, at Robb Guinto, masusubok ang tapang sa kainan! | Farm To Table
Ihap sa mga magtutudlo nga nakasinati og bullying sa eskuwelahan, misaka I One Mindanao
Gibo Teodoro keeping options open on 2028 plans

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista at Donita Nose


Ano kaya ang say ng People kung nakita nilang may kodigo ang kanilang kaklase? Alamin dito.

Pataasan ng bardagulang energy ang naganap sa tapatan nina Team SanKai (Sanya Lopez at Kakai Bautista) at Team DoniTay (Donita Nose at Tetay)!

Nitong Sabado (September 6) sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken, tila gigil ang dalawang pares sa pagsagot sa tanong na: "Nakita mong may kodigo ang classmate mong honor student. Ano ang gagawin mo? Isusumbong sa teacher o mangongopya ng sagot?"

Para sa First Yaya stars, gagawin pa rin nila ang tama at isusumbong ang kaklase sa guro.

"Kasi maraming inggiterang Pilipino," biro ni Kakai.

"Siyempre, naniniwala pa rin ako na may values pa rin ang Pilipino when it comes to school. Ibang issue ito. Honor student? Bakit ka naging honor student? Ibig sabihin, nangongopya ka lang? Ay, mali! Dapat isumbong sa teacher! Dapat ma-expel!" gigil na dagdag niya.

READ: Kakai Bautista, Sanya Lopez, ano kaya ang mas inaabangan? Sweldo o bebe time?

Ang sagot naman ng Team DoniTay, "Siyempre mangopya ng sagot...bago isumbong sa teacher!"

Pero sa kabila ng biro, pinili rin ng comedian duo ang “isusumbong sa teacher.”

"I do believe in you. Naniniwala ako na may mga ganoon. Da't may estudyante kung kailangan patunayan mo na matalino ka, matalino ka. Hindi ka dapat nangongopya," paliwanag ni Donita.

"Kaya ikaw, bilang teacher ka, dapat inaayos mo mga estudyante mo!" patawang gigil na dagdag pa niya.

Samantala, unfiltered with a twist ang naging opinyon ng celebri-peep na si Tim Yap.

READ: Tim Yap's trendsetting looks that define his style

"Hindi ako honor student. Actually, nangongopya ako noon. Aminado naman ako dun," ani Tim.

"Pero ginagawa ko, kinukuha ko 'yung kodigo, pinapasa ko sa lahat. Share kaming lahat. Tapos ako rin magsusumbong! Lahat na para bida ako sa mga classmates ko, bida rin ako sa teacher ko! Kaya isusumbong. Isusumbong ko 'yung sarili ko."

Tila may nakakatawang public apology naman si Heart Evangelista nang balikan niya ang kanyang student days.

Humingi ng tawad ang aktres sa kanyang dating math teacher habang pinasalamatan naman niya ang kanyang honor student na kaklase.

"Ang hirap kasi ng algebra. Malay ko naman sa x, kemerut, tapos nagmo-move to decimal how many times. Nangopya po ako," cute confession ng aktres.

"Sorry na talaga. Hindi naman ako perfect. So ang sagot ko ay B," patawang sinabi ng aktres.

Sa naturang round, parehong nakakuha ng puntos ang dalawang team na may 59% ng People ang bumoto rin na isumbong ang kaklase sa teacher.

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.

Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

Samantala, balikan ang best and iconic quotes sa 'The People Have Spoken' dito: