GMA Logo Kakai Bautista Bianca Manalo on panic buying amid coronavirus outbreak
What's Hot

Kakai Bautista, Bianca Manalo, may pakiusap sa mga napa-panic buying

By Aedrianne Acar
Published March 11, 2020 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista Bianca Manalo on panic buying amid coronavirus outbreak


Kakai Bautista sa mga napa-panic buying: “Unang-una MAHIYA KA!”

Dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), may ilang konsyumers ang nag-hoard ng mga produkto lalo na ng mga alcohol at tissue.

Sa panayam kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez ng dzBB, sinabi nito na walang dapat ipangamba, dahil sapat ang supply ng mga produkto tulad ng alcohol.

Wika niya, “Walang dahilan para mag-panic-buying. Lalong nagki-create ng artificial shortage 'yan lalo na sa araw na 'yun.”

Ganito din ang sentimyento ng All-Out Sundays star na si Kakai Bautista at ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo.

Faye Lorenzo, may payo sa mga tao kaugnay ng banta ng COVID-19

Sa kani-kanilang Instagram account, nagpaalala sila sa kanilang mga followers na huwag magpadala sa takot na dulot ng COVID-19.

Tinawag pa ni Kakai na “sakim” ang mga taong nagho-hoard sa panahon ng health crisis.

Aniya, “Bagay to sa mga SAKIM na Pinoy sa gitna ng Krisis.

“Kung meron man tatamaan, Unang-una MAHIYA KA. Di lang ikaw ang anak ng Diyos.

“Sana may ganito din tayo Na reminder sa lahat ng groceries and stores.”

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo) on


Samantala, may funny hirit naman ang TV host na si Bianca Gonzalez-Intal sa sitwasyon na nagpa-panic buying ang mga tao.

Kaugnay ng banta ng COVID-19, minarapat ng pamunuan ng GMA Network na itigil muna pansamantala ang pagtanggap ng live studio audience sa mga shows tulad ng All-Out Sundays, Centerstage, Mars Pa More, Wowowin, Wowowin Primetime, Idol sa Kusina, The Boobay and Tekla Show, Sarap 'Di Ba?, at Tonight With Arnold Clavio.

Ito na rin ay bahagi ng pagsunod sa programa ng gobyerno na mapagil ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Ito ang ilang bahagi ng statement ng GMA-7 patungkol sa “no live studio audience” policy ng network.

“These measures are being undertaken to help ensure the safety and well-being of all concerned and as part of GMA's cooperation with the government in its efforts to contain the spread of COVID-19. We strongly urge everyone to remain calm and cautious, and to follow the official advisories released by the authorities.”

MORE UPDATES ON CORONAVIRUS (COVID-19):

Metro Manila mayors' effort to combat the spread of coronavirus

UPDATED: Can you get Coronavirus from receiving a package from China?

Myth or fact: The World Health Organization debunks myths and shares important facts about the Coronavirus Disease or COVID-19