What's Hot

Faye Lorenzo, may payo sa mga tao kaugnay ng banta ng COVID-19

By Aedrianne Acar
Published March 10, 2020 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo COVID-19


Sinisigurado raw ni Faye Lorenzo na malinis ang katawan para makaiwas sa COVID-19.

Nagiging maingat ngayon ang Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo sa tuwing lalabas ng bahay dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

'Faye Lorenzo, hindi nakararamdam ng 'pambabastos' sa comedy sketches ng 'Bubble Gang'

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Faye kahapon, March 9, nagbigay ito ng ilang tips kung paano niya pino-protektahan ang sarili mula sa sakit.

“Medyo umiiwas muna ako sa matataong lugar kagaya ng malls ganyan.” paliwanag ng GMA Artist center beauty.

“Kunwari, nag-grocery ako, may dala na akong alcohol or naka-mask ako. 'Tapos pagbalik ko sa sasakyan, alcohol [uli], pag-uwi ko sa bahay hugas ng kamay.”

Hindi rin daw dapat katakutan masyado ang COVID-19. Sa halip, mag-doble ingat.

Aniya, “Ingat lang, pero 'yung takot hindi pa naman. Basta mag-ingat lang siguro.”

“Kailangan maging malinis lang sa katawan talaga ngayon may ganyang virus.” dagdag ni Faye.

Samantala, Ibinahagi din ni Faye Lorenzo ang experience niya na maka-trabaho ang mga magagaling na comedians at comediennes ng bansa sa panayam nito sa Kapuso Showbiz News.

Panoorin ang full-interview niya below.

MORE UPDATES ON CORONAVIRUS (COVID-19):

UPDATED: Can you get Coronavirus from receiving a package from China?

Myth or fact: The World Health Organization debunks myths and shares important facts about the Coronavirus Disease or COVID-19