GMA Logo Cassy Legaspi, Maxine Medina, Kakai Bautista, Sanya Lopez, Thia Thomalla, Cai Cortez
What's on TV

Kakai Bautista, hindi malilimutan ang pamilyang nabuo sa 'First Yaya'

By Aimee Anoc
Published July 1, 2021 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Legaspi, Maxine Medina, Kakai Bautista, Sanya Lopez, Thia Thomalla, Cai Cortez


"I always pray that this ONE stays FOREVER, because I'm tired of fly night friendships!" - Kakai Bautista

Isa si Pepita, na ginagampanan ni Kakai Bautista, sa hindi malilimutang mga karakter ng 'First Yaya' na kinagiliwan at minahal ng mga manonood. Ika nga, siya ang nagsilbing 'tyang' ng lahat lalo na sa lock-in taping kung saan nagkasama nang matagal ang mga cast.

HIndi lamang simpleng pagkakaibigan ang nabuo sa taping kundi maging isang pamilya. Sa nalalapit na pagtatapos, hindi naiwasang maging emosyonal ng mga cast at isa na rito si Kakai na nagbahagi sa Instagram ng isang larawan kasama sina Cassy Legaspi, Maxine Medina, Sanya Lopez, Thia Thomalla, at Cai Cortez.

Isang post na ibinahagi ni 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)

Ikinuwento ni Kakai kung anu-ano ang mga bagay at katangian na minahal niya sa mga kaibigan. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba-iba ay madali nilang nakapalagayan ng loob ang isa't isa.

"Unexpectedly, nagkatugma-tugma ang mga utak natin. I love it when we talk about each other without judgemental just plain understanding. Sa tagal halos ng lock-ins we've adjusted to each other's Do's and Don'ts. And we have embraced each other's differences. As in we love loving each other," pagbabahagi ni Kakai.

"I always pray that this ONE stays FOREVER, because I'm tired of fly night friendships! Keeping my eyes on you! Wala makakatakas kay TYANG!" pagtatapos nito.

Nag-react naman sina Thia at Sanya sa post na ito ni Kakai at hindi rin naiwasang maging emosyonal

Ganoon din ang kanilang mga fans na nagbahagi ng pagmamahal para sa 'First Yaya' cast members.