
Masayang nakakulitan nina Tekla at guest co-host na si Buboy Villar ang actress-comedienne na si Kakai Bautista sa nakaraang episode ng The Boobay and Tekla Show.
Sumalang ang guest star sa iba't ibang masasayang segment ng show gaya ng “Phone Raid,” kung saan binasa nina Tekla at Buboy ang random messages mula sa cellphone ng aktres base sa number na binigay ng production crew.
Isa sa mga nabasa nina Tekla at Buboy ay ang conversation nina Kakai at Sparkle actress Sanya Lopez.
Habang binabasa nina Tekla at Buboy ang naging pag-uusap ng dalawang aktres, nakita nila na mayroong larawan ng tao. Nang ipakita ito ni Buboy, ito ay ang miyembro ng P-pop sensation na SB19 na si Stell.
Ayon kay Kakai, crush at bias niya si Stell sa naturang boy band. Aniya, “Lagi kong inaasar kasi si Sanya, 'di ba wala nga kaming dyowa. So nag-aasaran kami sa mga crush namin gano'n bias.”
Sumabak din si Kakai kasama sina Tekla at Buboy sa food guessing game na "Food or Fake." Mabiktima kaya ang guest celebrity ng pekeng pagkain? Alamin sa video sa ibaba.
Bukod dito, binasa rin ni Kakai ang mean tweets tungkol sa kaniya sa segment na “Ang Harsh” at nagbigay siya ng mga nakakatawang response sa mga ito.
Bago natapos ang masayang gabi, ibinahagi ni Kakai sa "TBATS Top 5" ang limang tanong na ayaw naririnig ng tao sa mga family gathering o reunion. Ano-ano kaya ang mga ito?
Para sa tuloy-tuloy na saya, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m, sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SAMANTALA, TIGNAN ANG SEXIEST LOOKS NI KAKAI BAUTISTA SA GALLERY NA ITO.