GMA Logo Kakai Bautista
What's Hot

Kakai Bautista, may patutsada sa netizen na pumuna sa kanyang TikTok video

By Aedrianne Acar
Published October 6, 2020 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista


Dental Diva Kakai Bautista to her basher: “'Di mo nga magamit sarili mong picture.”

Walang duda na isa sa pinakamabait at nakakatawang personalities sa showbiz ang All-Out Sundays star na si Kakai Bautista.

Napatunayan na ang husay niya sa pagkanta at pag-arte bilang isang kilalang theater performer na napanood sa hit musical na 'Rak of Aegis.'

Pero hindi maiiwasan para sa tulad niyang celebrity na pumatol din minsan sa mga netizen na may negatibong comment lalo na pagdating sa kanyang itsura.

Sa Twitter, makikita ang naging reply ni Kakai sa post ng isang netizen na may hindi kaaya-ayang komento sa ginawa niyang TikTok video.

“Wow nahiya naman ako sa pagmumukha mo. Face with tears of joy di mo nga magamit sarili mong picture. Ungas!”

Noong Agosto, humarap sa matinding pagsubok ang tinaguriang Dental Diva matapos malamang nag-positibo siya sa COVID-19 after ng kanyang swab test.

Pero nitong September 11, nalaman na ng actress-singer na gumaling na siya sa naturang sakit.

Sabi niya sa panayam sa 24 Oras, “Sobrang na-relieve [ako]. Medyo naluha ako, pero ayoko pa ring umiyak kasi mas gusto ko maging happy kasi nakakadagdag ng eyebags 'yung pag-iyak.

“At least now alam mo na you had another chance na mas maging healthy.”

Kakai Bautista sings Miley Cyrus's "When I Look at You"

Kakai Bautista, nanatiling positibo sa gitna ng COVID-19 pandemic