GMA Logo kakai bautista
What's Hot

Kakai Bautista, nag-delete ng Twitter account

By Dianara Alegre
Published April 10, 2021 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

kakai bautista


Ano kayang nagtulak kay Kakai Bautista para mag-deactivate ng kanyang Twitter account?

Aminado si Kakai Bautista na naapektuhan siya ng mga pumutok na issue tungkol sa kanya kaya nagawa niyang i-deactivate ang kanyang Twitter account.

Sa virtual kwentuhan sa Kapuso Artistambayan noong Huwebes, April 8, naikwento ni Kakai sa mga kasamang sina Chariz Solomon, Abdul Rahman, Kim de Leon, at Betong Sumaya kung bakit wala na siya sa Twitter.

Kakai Bautista

Source: ilovekaye (Instagram)

“Okay naman ako," aniya,

"'Pag iniisip mo lalo 'yung mga nangyayari sa 'tin, 'yung mga personal issues mo, 'yung mga issues sa labas, 'yung issues sa social media, 'yung issue ng ibang tao sa 'yo, kung magwa-wallow ka sa lahat ng mga nagaganap sa paligid mo at nagaganap sa buhay mo, wala na mababaliw ka na talaga."

Dagdag pa ng aktres, hindi lamang issues sa personal niyang buhay ang nakaaapekto sa kanya kundi pati ang mga nangyayari sa bansa ngayong may pandemya.

“Ang lakas talaga ng impact sa ating lahat.

"Kahit gaano ka-strong ng personality mo, ka-tight ng family mo, ka-tight ng friendship mo with other people, wala, e, as in lahat 'yon na-comprise nung nangyari 'tong pandemic.

“Sinasabi ko nga, sine-set ko lang lagi 'yung utak ko na I see things in a brighter perspective na kahit ganito 'yung nangyayari sa 'tin,” aniya.

Naniniwala rin ang aktres na “helpless” at “powerless” ang lahat ngayong may pandemic at ang “faith” lamang sa sarili, sa kapwa, at sa Diyos ang tunay na makapagliligtas sa publiko.

“Kailangan talaga maging ano ka, e, sabi nila maging strong ka daw ngayon.

"Pero sa lahat ng mga interviews na ginawa ko, palagi ko lang sinasabi we are all helpless powerless ngayong pandemic. It's your faith that will really save you.

“Faith in yourself, faith in other people's kindness, faith in God's love lahat.

"Kasi, kung bibitawan mo 'yun, saan ka na kakapit?

"Wala na tayong pagkakapitan. Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything. We are powerless,” sabi pa niya.

Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 ang aktres noong September 2020.

Deleting her Twitter account

Sa pagtatapos ng online kwentuhan ay nabanggit ni Kakai na binura niya ang kanyang Twitter account.

“I don't have Twitter I deleted it. It's my right to delete my Twitter if I want to,” pabiro niyang sabi.

Samantala, sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng komedyante na na-bash siya sa Twitter dahil sa ipinadala ng cease and desist letter na mula umano sa management ng Thai actor na si Mario Maurer.

Nakasama ni Kakai si Mario sa pelikulang Suddenly It's Magic noong 2012.

Mario Maurer at Kakai Bautista

Source: ilovekaye (Instagram); mario_mm38 (Instagram)

Sa naturang liham, pinatitigil si Kakai sa umano'y paggamit niya sa pangalan ng aktor at pag-uugnay niya ng kanyang sarili sa international actor.

Nagpadala na rin ang legal team ng First Yaya actress ng reply at formal demand for proof of authority to cease and desist.

Ngunit sa kabila ng pambabatikos ay natutunan na raw niya ang art of dedma.

“Anong gagawin ko, iiyak ako, o isang araw lang iyak tapos na.

"Kasi, iyakan mo 'yan isang linggo sa mga nangyare mabwisit ka sa basher… Diyos ko 'day, masama 'yon sa 'yo. 'Yung stress na dala nung mga bagay na 'yon.

"Number one ang stress that develops cancer cells. Alam natin 'yan. It triggers everything na kung ano man ang sakit mo dyan na hindi mo pa nakikita it triggers everything,” pahayag ni Kakai.

Kakai Bautista to her TOTGA: "Why didn't you believe in me?"

Kakai Bautista, apektado pa ba sa mga nangungutya sa kanya?

Samantala, tngnan ang #gandangwalangfilter photos ni Kakai sa gallery na ito: