
'Di talaga kumpleto ang handaang Pinoy kung wala ang paborito nating lumpia.
Kaya naman isang bagong klase ng lumpia raw ang kumikita sa Taguig.
Sa nakaraang episode ng Pera Paraan, ipinakita ni Kapuso host Susan Enriquez ang Pop's Original Lumpianiza na may Lumpiang Shanghai na pinaghalong lumpia at longganisa.
Kaya naman ang negosyo nina Rele, level-up dahil sa iba't ibang bersyon nito. Sariling recipe ng owner na si Rele Hernandez ang gamit sa pag gawa ng lumpianiza na may anim na iba't ibang variety: Vigan Lumpianiza, Hamonado, Cheeseburger, Breakfast Sausage, Shawarma Lumpia, at Sisig Lumpia.
Dahil sa pumatok ang kanilang negosyo, kumikita lang naman ito ng halos Php 50,000 kada linggo! Ano kaya ang kanilang sikreto?
Hindi rin mawawala sa handaang Pinoy ang iba't ibang klase ng kakanin.
Kaya naman ang kakanin business na ito nina Nanay Mimi at Tatay Gorio na taong 1979 pa naitayo. Ngayon, kinikilala na itong Culinary Cultural Heritage sa Bulacan!
Paano kaya nila naitaguyod ang negosyo nila sa mahigit 40 na taon?
Panoorin:
Panoorin: