
Nakahiligan na ng mga Pinoy ang iba't ibang sawsawan para sa pagkain.
Kung sawsawan din lang naman ang usapan, hindi 'yan mawawala sa hapag ng mga Pinoy lalo na kung may kainan.
Kaya naman sa Pangasinan, may bagong timpla ng suka--ang "adobong suka" na lasang malinamnam na adobo.
Pinakita ni Kapuso host Susan Enriquez sa Pera Paraan kung paano nag-umpisa ang kakaibang adobo suka business ng isang mag-asawa.
Patok din ang kakaibang silog na ito na tiyak na bagay sa mga mahilig sa street food.
Nakatikim ka na ba ng silog pero lamang-loob ang sahog? 'Yan ang bentahe ng negosyong ito na talaga namang pumatok dahil sa kanilang kakaiba pero masarap na pakulo.
Silipin ang tamang proseso kung paano ito linisin at ang iba't ibang klase ng ulam na maaring lutuin gamit ito!
Panalo kaya ang mga ito sa panlasa? Panoorin sa Pera Paraan.
Huwag palampasin ang Pera Paraan tuwing Miyerkules 8:30 PM kasama sina Susan Enriquez at Mark Salazar sa GTV.