GMA Logo BINI Maloi, SB19 Stell, John Wick impersonators
What's on TV

Kalokalike nina BINI Maloi, SB19 Stell, John Wick, pinusuan ng netizens

By Kristine Kang
Published September 3, 2024 5:37 PM PHT
Updated September 4, 2024 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

BINI Maloi, SB19 Stell, John Wick impersonators


Naging usap-usapan online ang 'Kalokalike Face 4' impersonators na sina BINI Maloi, SB19 Stell, at John Wick.

Panibagong kalokalike contestants ang nakilala ng madlang Kapuso sa noontime program na It's Showtime nitong Martes (September 3).

Unang nagpakitang-gilas sa "Kalokalike Face 4" stage ang cute at bubbly na BINI Maloi impersonator ng Iligan City, na si Theophany Belle. Maraming mga tagahanga at netizen ang nakapansin ng pagkakahawig niya sa P-pop artist, mula sa pananamit hanggang sa hitsura. Naaliw din ang manonood sa kaniyang pagsayaw at pagkanta ng hit track na "Salamin, Salamin". Pinag-usapan din nila ang kaniyang patuloy na paggaya kay BINI Maloi.

"Hello, mga BLOOM (fans ng BINI)! Maraming salamat, thank you so much for having me here. I hope you're watching. Thank you so much," bati ni Theophany.

Ikinuwento niya na maraming kaibigan at BLOOMs ang nagsasabi na kahawig siya ni BINI Maloi. "Everyone that meets me na tells me na kamukha ko talaga daw," paliwanag niya.

Dagdag pa niya, "Minemake- upan pa nila ako ng BINI Maloi ng mas kamukha niya kasi I have my handlers who are fan, who are BLOOMS din."

Sunod namang nagbigay aliw sa madlang people ang John Wick impersonator mula sa Quezon City na si Dennis. Namangha ang lahat sa pagkahahawig niya sa karakter, mula sa haba ng buhok, balbas, at iconic nitong suit. Puno ng tawanan ang segment nang nag-perform siya bilang action star gamit ang malaking lapis at mini fan bilang sandata. Nagulat din ang lahat sa kaniyang biglaang "Ting Ting Ting Tang Tang" dance challenge, kung saan ipinamalas niya ang kanyang pagkekendeng.

"Only sa It's Showtime lang naman si John Wick ay naka 'Ting Ting Tang'," komento ni Kim Chiu.

Huling nagpasaya sa madlang Kapuso ang kalokalike ni SB19 Stell na si Jeon Cyrus mula sa Cebu City. Todo hataw siya sa pagsasayaw ng "Gento" sa stage at ipinamalas din ang kaniyang vocal skills. Nang pinakanta siya ni Ate Girl Jackie Gonzaga ng "All By Myself," mas lalo pang nagningning ang kaniyang pagpapatawa na gayang-gaya raw sa P-pop artist.

Balikan ang performances nina BINI Maloi, SB19 Stell, at John Wick impersonators sa 'Kalokalike Face 4', dito:

Sa huli, nagwagi si Theophany sa kompetisyon dahil nakakuha siya ng tatlong “Kalokalike” mula sa hurados na sina Jugs and Teddy, Rufa Mae Quinto, at Bianca Umali.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.