
Sinagot ni Ashley Ortega kung totoo nga bang nakikialam ang mga magulang ni Mavy Legaspi na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa love life ng kanilang anak.
Sa pagbisita sa KALURKS!, tinuldukan na ni Ashley ang usap-usapang ito tungkol sa mga magulang ng nobyo.
"Very not true," diretsahang sagot ng aktres.
"'Yung isyu na 'yan matagal na 'yan, e. Hindi pa kami ni Mavy, issue na 'yan sa family ni Mavy.
"Pero before pa kami naging mag-jowa ni Mavy, I already worked with Tita Carmina in a teleserye, nag-lock in taping kami sa Widows' Web. And sobrang bait niya talaga.
"Ever since, hindi pa ko girlfriend ni Mavy, iba pa nga jowa ko no'n, pinakilala ko pa nga sa kanya. I mean, she knows it. Iba pa 'yung partner ko noon and iba pa 'yung partner ni Mavy, and sobrang bait niya, as in.
"Tapos nu'ng nalaman ni Tita [Carmina] na kino-court ako ni Mavy, she's so welcoming. Actually, lahat sila, especially with Cassy. I'm close with Cassy right now. 'Yung relationship talaga namin para kaming magkapatid," dagdag niya.
Ani pa Ashley, very supportive din sa kanya ang mga magulang ni Mavy.
"Tita Carmina, Tito Zoren, siguro from time to time may eat dinner in the house. Never kong naramdaman na parang nangingialam sila. Very supportive sila sa lahat ng ginagawa ko.
"'Yung issue na 'yon, ni isang percentage na gano'n, wala akong nakita talaga."
READ: KALURKS: Ashley Ortega at Mavy Legaspi, napag-uusapan na ba ang kasal?
Samantala, kabilang si Ashley sa upcoming GMA Pictures satirical comedy-thriller film na Red Crown, na mapapanood sa mga sinehan simula October 28.
Panoorin ang ikaanim na episode ng KALURKS! dito:
Abangan ang latest at trending issues sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.
Maaaring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
Related Gallery: Ashley Ortega and Mavy Legaspi are happy and in love in their sweetest photos