What's on TV

Kantang "Hayaan Mo" ni Arra San Agustin, mapapakinggan na bukas!

By Cherry Sun
Published September 4, 2019 5:41 PM PHT
Updated September 18, 2019 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Mapapakinggan na for the first time ang “Hayaan Mo,” ang isa sa 'Madrasta' theme songs na kinanta ni Arra San Agustin.

Mapapakinggan na for the first time ang “Hayaan Mo,” ang isa sa Madrasta theme songs na kinanta ni Arra San Agustin.

Arra San Agustin
Arra San Agustin

Noong nakaraang linggo, ni-record ni Arra ang kanyang unang awit para sa kanyang pagbibidahang Kapuso drama. Ang “Hayaan Mo” ay ang kanta raw ng kanyang character na si Audrey para sa love interest nitong si Sean na bibigyang-buhay ni Juancho Trivino.

WATCH: Arra San Agustin, sumabak sa recording para sa Madrasta theme song

Bukas, September 5, mapapapakinggan na sa unang pagkakataon ang “Hayaan Mo.”

Bibisita si Arra sa 'Bidang-bida sa Dobol B' ng 2:00 PM at sa 'Sikat sa Barangay' sa Barangay 97.1 ng 5:00 PM. Kasabay ng kanyang guesting ay mapapakinggan din ang radio premiere ng kanyang kanta.

Excited na ba kayo marinig ang theme song ng Madrasta na inawit ni Arra? Tutok na bukas, mga Kapuso!