
Malaking proyekto ang Madrasta para kay Arra San Agustin. Maliban sa ito ang kauna-unahan niyang pagkakataon na bumida sa isang Kapuso drama, sumabak din siya sa recording para kantahin ang isa sa theme songs ng programa.
LOOK: Arra San Agustin at Thea Tolentino, pinuri ng netizens sa inaabangang Madrasta
Si Arra ang boses sa likod ng “Hayaan Mo,” ang original song na ginawa mismo para ikuwento ang pagmamahal ng kanyang character na si Audrey kay Sean, ang character na bibigyang-buhay ni Juancho Trivino.
Paliwanag ng aktres tungkol sa tema at mensahe ng kanyang kanta, “Minamahal niya itong guy na 'to para mabawasan 'yung burden niya sa buhay. Because of love, parang nire-reduce niya kung ano mang adversity 'yung gino-go through nitong guy na 'to.”
Dagdag din ni Arra na ito ang love song ni Audrey para kay Sean.
READ: Arra San Agustin, babaguhin ang imahe ng isang madrasta sa pagbibidahang drama
Aniya, “Kung paano sila nag-fall for one another… [I-o-offer mo 'yung sarili,] 'yung time, 'yung effort to help a friend, and then unconsciously na in love ka na pala.”
Hindi pa man available ang “Hayaan Mo,” isang teaser ang pwedeng mapakinggan sa live video ng recording ni Arra.
Panoorin: