
Ngayong gabi na ang huling tirada ng GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Masasaksihan sa finale episode nito ang kapangyarihan ng social media.
Dahil nabulilyaso ang pag-aresto kay Tomas aka Berdugo (Richard Yap), ni-livestream ni Andrew (David Licauco) ang pagtugis dito.
Hihingi naman ng tulong si Joey (Jillian) sa netizens na i-report sa kanila kung sakaling mamataan ito.
Habang nasa Tirada Express bus, susuyurin nina Peter (Raheel Bhyria), Jin Ho (Kim Ji Soo), at Elai (Chai Fonacier) ang mga leads.
Ilan dito ay lehitimo at nakakatulong sa kanilang pagtugis, habang trolling o fake news naman ang iba na maaaring makasira sa kanilang misyon.
Mahuhuli kaya nila si Berdugo?
Panoorin ang huling tirada ng action-drama series na Never Say Die ngayong gabi, May 22, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV, 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.