What's Hot

Kapuso actor, nag-blush at uminit ang tainga nang biglang halikan ni Gardo Versoza!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 8:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Inang OFW na umuwi mula sa Hong Kong, umabot kaya sa recognition day ng anak?
LTFRB-10 heeds plea to implement taxi flag-down rate hike
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News



Sino ang Kapuso actor na ito? 
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Mga Kapuso, bukod sa magandang istorya ng Dading, mayroon pa kayong aabangang eksena sa Afternoon Prime soap!
 
Sa ginanap na Dading live chat kamakailan, si Gardo Versoza mismo ang nagsabi sa amin ng pinakaaabangang eksena nila ni Kapuso actor.
 
Bago raw magtapos ang show, makakakuha raw ng boylet itong si Mother Lexi sa katauhan ni Kapuso actor. At take note, mayroon daw silang kissing scene!
 
“Last day [ng taping] namin, hindi naman nire-require na may kiss sa kapwa ko lalaki. Pero out of the blue, ewan ko ba kung bakit bigla kong nahalikan 'yung kapwa kong artistang lalaki,” kuwento ni Gardo.
 
Dagdag pa niya, “Spur of the moment and mukhang hindi naman siya na-offend, hindi naman din ako na-offend.”
 
Sasabihin ni Gardo ang pangalan ni Kapuso actor sa video na ito.