
Puno ng pasasalamat ang Kapuso child stars dahil nakabilang sila sa Signed for Stardom 2024.
Ngayong May 16 ay nakasama sina Raphael Landicho, Nathaniel Enaje, Euwenn Mikaell, at Ericca Laude sa mga biggest and brightest stars na pumirma sa Sparkle.
Kuwento ng award winning child star sa Firefly na si Euwenn, "Para ko na po silang second family. Dito po natupad ang pangarap ko maging artista."
Ayon naman kay Nathaniel ay marami silang nakuhang mga kaibigan sa pagiging Kapuso.
"Sa Sparkle marami po akong nakuhang kaibigan."
Kuwento ni Erica sa kaniyang pagsalang sa stage ng Signed for Stardom
"It's all the fans who pushed me to be here. Sparkle and GMA is my home away from home."
Si Rafael na napapanood sa Voltes V: Legacy ay nagpasalamat sa Sparkle. Ani Rafael, "Sa Sparkle salamat po sa tiwalang ibinibigay ninyo. Lagi niyo po kaming inaalagaan."
Congratulations to the Sparkle child stars!