
Bago dumating ang pandemya, kasama sa mga nagpapasaya sa ilang Kapuso shows ay ang young TV hosts at child stars na sina Ryzza Mae Dizon o mas nakilala bilang si "Aling Maliit," si Sebastian Granfon o "Baste," at si Yuan Francisco o si "Pao-Pao."
Sa panayam ng Stories of Hope sa child stars, ibinahagi nila ang kanilang mga bagong pinagkakaabalahan ngayong may pandemya.
Si Ryzza, na dating "Aling Maliit' noon ay isa nang ganap na dalagita ngayon. Binalikan ng young talk show host ang kanyang mga di malilimutang karanasan sa GMA.
Ang kanya raw pagkapanalo sa “Little Miss Philippines” taong 2012 sa Eat Bulaga ang siya raw tumupad sa kanyang pangarap na maging artista.
Sa edad na walong taong gulang, bukod sa pagiging bahagi ng Eat Bulaga, ay nagkaroon pa siya ng sariling programa ang The Ryzza Mae Show.
Ani Ryzza, "Dahil po sa Eat Bulaga natupad po lahat ng pangarap ko, nakabili po ako ng sasakyan, mayroon din po kaming bahay, lahat na po ng opportunities na dumating sa akin ay dahil po iyon sa Eat Bulaga kaya po sobrang thankful po ako."
Sa ngayon, dahil sa banta ng COVID-19, via virtual conference muna ang ginagawang pagho-host ni Ryzza sa Eat Bulaga.
Mula naman sa pagiging parte ng Encantadia remake taong 2016, at pagiging guest co-host sa Unang Hirit at AHA!, pansamantala munang tumigil sa pagtanggap ng TV projects si Yuan o "Pao-Pao." Ngayon ay abala muna si Yuan sa kanilang negosyo na pagbebenta ng mga motorcycle helmet sa Teresa, Rizal.
Si Sebastian naman o "Bae-by Baste," ang bibong host ng Eat Bulaga, pinili munang magpahinga kasama ang kanyang pamilya sa probinsiya at sinusulit muna ang oras kasama ang kanyang lolo at lola.
Panoorin ang buong kuwento ng Kapuso child stars sa Stories of Hope, DITO:
Samantala, kung hindi naabutan ang huling episode ng Stories of Hope, maaari mo pa rin itong mapanood online.
Panoorin naman at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.