GMA Logo I Witness, Family Feud
What's on TV

Kapuso journalists, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published December 13, 2022 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

I Witness, Family Feud


Congratulations, Team I-Witness for winning big on 'Family Feud'!

Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang Team I-Witness na binubuo ng award-winning journalists ng GMA na sina Kara David, Atom Araullo, Sandra Aguinaldo, at Mav Gonzales sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Martes, December 13, 2022.

Sa nasabing episode nakalaban nila ang grupo ng creative content creators na Team PGAG na pinangungunahan ng kanilang creative director na si Rayn Brizuela, kasama sina Jico Umali, Merry Rodriguez, at Gilbert Javellana.

Round 1 pa lang ipinakita na ng Team I-Witness ang kanilang pagiging competitive, kung saan nakuha nila ang lahat ng sagot sa survey questions. Dito ay nakakuha sila ng 54 points.

Pagdating sa second round, makakabawi na sana ang Team PGAG pero muling na-steal ng I-Witness ang laro nang makuha nila ang sagot sa tanong na, “Magbigay ng bagay na may ending,” na bigong masagot ng nabanggit na unang team. Sa round na ito nakabuo ng 141 points ang team nina Kara.

Sa third round, muling umarangkada sa pagsagot ng tamang survey answers ang grupo ng journalists sa score na 261 points.

Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, nakasagot sana ang Team PGAG sa isang survey question pero hindi umabot ang kanilang score upang ma-beat ang score ng Team I-Witness.

Dahil dito, ang team ng Kapuso journalists ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama sina Kara at Mav. Sa round naman na ito, nakakuha ang dalawa ng combined score na 203 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang GMA Kapuso Foundation, Inc. bilang napiling charity ng Team I-Witness habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team PGAG.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NG I-WITNESS HOST NA SI ATOM ARAULLO SA GALLERY NA ITO: